Skip to main content

On Sale: GamesAssetsToolsTabletopComics
Indie game storeFree gamesFun gamesHorror games
Game developmentAssetsComics
SalesBundles
Jobs
TagsGame Engines

omg ok since taglish naman yung ginamit na language sa game, ito na rin gagamitin ko to write my review. at first medyo hesitant akong i-try tong otome na 'to kasi may nalaro na kong otome dati na philippine setting din at hindi ko siya nagustuhan. pero nakita ko yung art at na-intriga ko, kaya sinubukan ko siya at ang masasabi ko lang ay kuhang-kuha nito yung mga bagay na lagi kong hinahanap sa mga otome

1.) DIALOGUE

sa tingin ko kahit sinong filipino na maglalaro nito matatawa sa mga linya ng characters. sobrang nakakatuwa kasi hindi cheesy yung pananalita nung characters kahit na written siya in filipino. ang maganda pa ay mayroong mga filipino slang na nakakadagdag sa pagiging relatable and edgy nung game. sobrang ganda ng pagkakagawa ng dialogue kahit informal siya. naappreciate ko yung mga jokes, sarcasm at kung anu-ano pa. the attention to the dialogue is what made this game win me over. hands down. (ang witty nung main character nkklk)

2.) CHARACTERS

SOBRANG LOVABLE NG CHARACTERS. like, how??? natutuwa ko kasi lahat sila may sense of humor. like si nash yung nang-aasar lagi at mahilig mang-inis hahaha. tipong wala siyang sineseryosong usapan at laging pabiro yung sagot. si lanier naman typical guy friend na kavibes mo at laging masayang kasama kahit saan. si rayden the pa-cool slash pa-mysterious kid na may sariling mundo pero ang cute cute pa rin. tapos si liz pa air-headed stereotype pero typical best friend na laging andiyan para sayo at naappreciate ko talaga siya throughout the game. tas si croix huhuhu yung overprotective na kuya. HINDI KO ALAM KUNG PANO MO GINAWA pero sobrang life-like nung characters??? like inisa-isa ko sila at hindi ko naramdaman na andun lang yung bawat character for plot device. lahat sila may kaniya-kaniyang personalities na sobrang realistic. siyempre dahil si rayden yung pinakaspecial (siya ba naman end game), siya rin yung pinakafavorite ko. sa mga otome talaga lagi kong hinuhuli yung mga mysterious/bugnutin type kasi sa kanila ako pinakanaaattract kaya natuwa ako na si rayden yung pinakamalaking route sa game.

3.) ROUTES

sobrang kumpleto nung mga routes. yung kay nash na-feel ko na medyo maikli pero binawi pa rin ng ending. grabe ang cute lang ng idea na *SPOILER* iniispoil (lol) ka nung boyfriend mo at pwede siyang bumisita sayo anytime he wants (ang creepy pakinggan omg). basta ang sweet ni nash. sobrang complete package. may hitsura, matalino, mayaman, WTF ANG PERFECT NIYA MASYADO. feeling ko siya yung pinakasweet na guy.

next na route naman ay yung kay lanier. honestly, sobrang nakarelate ako sa main character nung prologue. i also have someone i like...and he's also in a relationship. kaya nung first time na sinabi ni shaizee na taken si lanier, i was like "girrrrl same ok siya uunahin ko." ang dami ko ring kakilalang ganito na secretly in love with their best friend who's already taken. so, the fact na may ganitong klaseng guy sa game is really nice (ito na lang ata yung chance naming mga sawi na matupad ang mga pangarap) i really enjoyed his route, especially since i got to see him develop from my platonic best friend to a very sweet and loving boyfriend. childhood-best-friends-turned-lovers stories always get me.

at ang pinakahuling route ay kay rayden. TEKA TEKA TEKA nung chapter 1 naconfuse ako nung si rayden yung bumungad sakin. naramdaman ko yung naramdaman nung character kasi like never kaming nag-usap at nagkita lang sa library tas biglang malalaman ko na siya boyfriend ko?? ang weird at ito ang nag-udyok sakin to find out more about his character. at ang masasabi ko lang ay bes, ang hirap niyang suyuin. kinailangan ko pang siguraduhing makuha yung dalawang best endings sa ibang guys para lang malaro ko route niya nkklk. but, it was worth it. sobrang nakakakilig si rayden. i have this small thing for shoutas at the fact na siya pa yung mysterious type lalo siyang nagmukhang attractive sakin. tapos ang cute kasi every time na nagseselos siya at nagbablush literal na may nararamdaman akong tumutusok na something na matulis sa dibdib ko. not joking. ito yung epekto ng kacutan ni rayden sakin. anyways, just from the flashbacks nung nasa amusement park pa lang sila ni shaizee na-in love na agad ako sa kaniya kasi ang cute cute niya bes :--( can u imagine makareceive ng surprise kiss mula sa boyfriend mo at a ferris wheel (and anime fan din siya, so that's a plus)

4.) ART

i like this type of art style! clean and simple but fluffy. mas nafifeel ko talaga yung mga nilalaro ko kapag maganda yung art kaya thumbs up bc the art was really nice. sobrang cute nung mga pabagong-bagong expressions nung characters. plus, props din sa background kasi ang ganda nila. i even took multiple screenshots of some scenes bc ang aesthetic tignan.

ok parang masyado na atang mahaba 'tong tinatype ko. not sure if anyone will read this anymore, but i just had to let all my emotions about this really amazing game out. nicely done. medyo gusto ko pa tuloy makakita ng marami pang otome na set in the philippines at nasa filipino language din. kudos to you guys, you made a really great otome! will be looking forward to (hopefully) a lot more of your works in the future. ♥

Thank you for your review! Binasa ko siya lahat of course and I'm touched! I'm really you liked it, I'm really happy na nakuha mo ung mga bagay na gusto ko i-convey sa story.

And yes, I'm planning to make another game in Philippine Setting! Please look forward to it! Thank you, thank you very much and have a nice day hehe! :">

(+1)

omg this is such a late reply pero thank you for reading my long ass comment huhuhu also, i've seen your new game and i really want to play it but i'm currently using a mac :((( i hope you upload a mac version soon